Tawa nang tawa si Claui dahil kitang-kita niya ang inis sa mga mukha ko sa umagang iyon dahil hindi namin in-off ang facetime naming dalawa, hanggang sa nakatulog siya. Pinaayos ko ang package na 'yon na galing kay Alonzo at ipapadala ko iyon sa kaniya pabalik. Kahit ano pa ang sabihin niya sa akin ay hinding-hindi ko iyon matatanggap. "Lahat ng package na darating sa akin na walang pangalan itabi niyo sa isang lalagyan ha," utos ko sa mga kasambay na naroon dahil sila-sila lang din ang tumatanggap nito. Sa araw na iyon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya nagkulong na lang ako sa kwarto dahil pumasok na silang lahat sa trabaho nila. Gusto ko na sana tignan at buksan ang mga regalo na naroon sa guestroom kaya lang ay huwag ko raw muna buksan sabi ni Ayana. Gusto niya raw na nar