Muntikan na naman naming pag-awayan ang tungkol kay Alonzo pero mas minabuti ko na lang na manahimik at huwag nang patulan ang sinasabi niya dahil kahit naman sabihin niya iyon ay hinding-hindi ko hahayaan na mangyari iyon dahil ayoko talaga siyang mapahamak. "Let's just enjoy our date tonight. Huwag na muna natin isipin ang mga 'yan," sabi niya kaya napatango na lang ako. Nasa Tagaytay na kami pero hindi pa kami nakakarating kung nasaan ang restaurant ni James na kaibigan niya. Kanina pa rin kasi ako walang imik dahil ayoko nang lumaki pa ang pag-uusap namin tungkol kay Alonzo at wala na rin akong ibang topic na maisip kaya tumahimik na lang ako. "I'm sorry," pagsuyo niya sa akin pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niyang pumatong sa hita ko habang ang isang kamay ay nasa manib