Halos mahirapan ako sa pag-alalay kay Jacob paakyat sa taas. Hindi ko alam na ganito siya malasing dahil sa sobrang kakulitan niya. "I'm not drunk," depensa niya sa sarili niya nang sabihan kong lasing na talaga siya. Napabuntonghininga na lang ako at napairap bago binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Ayaw niya talagang aminin na lasing siya kaya hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko dahil sa pagiging makulit niya. Maayos naman siyang maglakad pero hindi ko pa rin siya mabitawan dahil natatakot ako na baka matumba siya. "I'm okay," sabi niya pagkatapos ay bigla akong hinalikan sa pisngi. "Fine. Matulog kana," sabi ko sa kaniya at muli siyang inalalayan. Nang maiupo ko siya sa dulo ng kama ko ay pabagsak na siyang humiga roon kaya napailing ako at umalis na roon para kuhanan siya ng tubi