Abot ang tahip ng puso ko habang hinahalikan ako ni Jacob at halos habol-habol ko ang hininga ko nang muli niyang hininto ang paghalik sa akin. "I'm so sorry. I didn't mean to say that. Nagulat lang ako sa nakita ko," paliwanag niya. Kahit nasaktan ako sa hinala niya sa akin ay pinili ko na lang tumango at ngumiti sa kaniya dahil ayokong mag-away pa kami nang dahil doon. Natutunan ko na lang din na habaan ang pasensya ko sa mga ganitong bagay at natural lang na magalit siya sa nakita niya kanina dahil hindi ko pa nga sinasabi sa kaniya ang tungkol sa nakaraan namin ni Nikolai. "It's okay. I understand you. Sana pala sinabi ko muna sa'yo bago nakipag-usap kay Nikolai," sabi ko dahil iyon nga ang pagkakamali ko. Umiling naman siya at humugot ng malalim na hininga bago niya ako muling hin