Iniwanan ko nga si Claui sa labas at nagpunta na lang sa kwarto ko para tignan kung ano na ang ginagawa ni Jacob. Naabutan ko naman siyang ina-unpack ang mga gamit niya kaya hindi ko naiwasang mapailing dahil pwede naman naming gawin iyon sa ibang araw. Sandali lang siyang napatingin sa akin pagkatapos ay muling tinuloy ang ginagawa niya. "You can do that later naman. Magpahinga muna tayo," sabi ko at naupo sa dulo ng kama. "Just don't mind me. Ikaw ang magpahinga na muna," sabi niya nang hindi man lang ako nililingon. "Tatawagan ko lang si Noah tapos sabay tayong matutulog," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay lumapit sa side table ko dahil naroon ang cellphone ko. Alam kong hindi ako matitiis ni Noah kaya tatawagan ko siya ngayon para makapunta siya ngayon sa dinner mamaya na ihahanda ni