"Wow! Landian agad? Sana pala hindi mo na lang ako ginising, Noah!" narinig kong reklamo ni Claudia sa likuran namin ni Jacob. Natawa naman ako at bahagya kong tinapik si Jacob para makaharap sa mga kaibigan. Hindi naman umalis si Jacob sa pagkakayakap sa akin at kita ko ang pag-form ng "O" sa bibig ni Noah at agad na napaiwas ng tingin kaya muli akong natawa. "Sa sala na ang kita hihintayin, Claui! Ambagal mo talagang babae ka!" reklamo ni Noah pagkatapos ay agad nang umalis doon. Nagkatinginan naman kami ni Claudia at sabay na natawa dahil sa inakto ng kaibigan "Hindi niya siguro matanggap ang totoo na mas gwapo nga si Jacob kaysa sa kaniya," natatawang sabi ni Claudia habang nagsasalin ng tubig sa baso. Natawa na lang ako at napailing hanggang sa umalis din sa pagkakayakap sa akin