Chapter 29

2189 Words

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagulat nga rin ako dahil wala na sa tabi ko si Jacob at nakita ko siya sa isang table ko na naroon sa kwarto ko. Nakaharap siya sa laptop niya at mukhang nagsisimula na ngang magtrabaho. Hindi ko naman napigilang maawa sa kaniya dahil talagang sumama pa siya sa akin dito kahit na may mga trabaho at meetings siya. "Rise and shine, baby girl!" bati niya sa akin nang mapalingon siya sa akin at nakitang gising na ako. Napangiti naman ako at hindi alam kung mahihiya ba sa itsura ko ngayon lalo na at kagigising ko lang kaya sigurado akong namamaga pa ang mukha ko dahil sa pagkakatulog. "Good morning," bati ko sa kaniya pabalik at muling nahiga sa kama para makapag-inat. "Wake up. You will be having a long day today," natatawang sabi niya kaya naman kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD