"Let's go. Kanina pa ako tinatawagan ni Claui," sabi ko kay Jacob nang makagayak na siya. Kanina pa kami rito sa bahay dahil gusto niya raw muna akong masolo kahit sandaling minuto lang at medyo natagalan kami roon kaya naman puro tawag ni Claudia ang natatanggap ko. Nagsuot lang ako ng black square pants at white high cut shoes, sa top naman ay putting crop top para naman mas maging komportable ako roon. "Do you really want to go? Hindi ka ba napapagod?" tanong na naman sa akin ni Jacob. Kanina niya pa ako tinatanong kung hindi raw ba ako napagod sa araw ko at para magpahinga na lang kaysa lumabas. Sa totoo lang din naman ay napagod talaga ako pero sanay naman na ako sa ganito at kapag nakakasama ko ang mga kaibigan ko rito ay nawawala ang pagod ko. "No. I'm not. Iyon ang pahinga ko,"