Gusto kong mainis at magalit na naman pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil kasama ko naman si Jacob. Napalingon naman ako sa kaniya at mukhang nagkakatuwaan na sila ni Blake roon lalo na at may tatlo pa silang lalaki na kasama. "Itinuro mo ba ako?" tanong ko naman kay Claudia dahil minsan ay itinuturo niya ako kay Alonzo. "Hindi! Baka kung ano pa ang gawin na naman sa'yo ng lalaking 'yon," sagot naman ni Claui kaya nakahinga ako ng maluwag. "Bakit? Ano ba ang ginawa sa'yo ni Alonzo?" nagtatakang tanong naman ni Ate Sofie. Sabay naman kaming nagkatinginan ni Claudia dahil siya lang ang pinagsabihan ko kung paano nangyari na nalasing ako at sumama kay Jacob sa gabing iyon. Sa kaniya ko lang din ipinaalam na may hindi magadang intensyon sa akin si Alonzo at hindi ko na iyon sinab