"Why are you doing there alone?" tanong agad ni Jacob nang tuluyan kaming makalayo kay Alonzo. Sasagot na sana ako pero kita ko ang galit sa mga mata niya kaya hindi ako kaagad nakapagsalita at sinamantala naman niya iyon para muling makapagtanong sa akin. "And why are you with him? Did he hurt you? Did he harass you?" sunod-sunod niyang tanong. Masakit pa rin ang paa ko hanggang ngayon pero hindi ko iyon mainda sa kaniya. Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil galit na galit siya ngayon. Tiim bagang niya akong hinila sa isang table na walang tao kaya agad naman akong naupo sa isang upuan para muling ipahinga ang mga paa ko. "He didn't hurt me," sagot ko sa kaniya at agad naman siyang tumabi sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hawakan sa dalawang kamay kaya napatingin