Hindi naging madali sa akin lalo na at masyadong malaki ang naging trauma sa akin. Sa halos magdadalawang taon namin ni Jacob na pagsasama ay kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa niya ang isang bagay na kinatatakutan ko noon na naging dahilan nang pagiging mailap ko sa pagmamahal. He always assured me and he always gives me consistensy, pero noong nangyari ang pakikipaghalikan niya noong gabing 'yon ay mas masakit pa 'yon kaysa sa pagkakabaril sa akin. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit habang naalala ko ang napanood na 'yon pero ano nga ba ang magagawa ko? Nangyari na 'yon at kahit takot ako sa mga susunod na mangyayari ay pinilit ko na lang unawain at intindihin dahil lasing nga raw siya. Mag-asawa na kaming dalawa ni Jacob at hindi na kami katulad noon na kapag nag-away at n