Nagkwentuhan lang kami sa coffee shop at tuwang-tuwa sila dahil hindi nila akalain na makakapagpatayo ako ng ganoong shop sa lugar na iyon nang wala namang masyadong malaking hawak na pera. Sinabi ko naman ay kung hindi sa tulong ni Aiden ay hindi ko maipapatayo iyon. “Kailangan mo na talagang magdagdag ng tao rito. Hindi na kita kayang tulungan sa mga susunod na linggo,” sabi ko kay Aiden nang nasa counter kaming dalawa. Hindi pa rin umaalis ang mga kaibigan ko roon at iniwanan ko naman sila sandali dahil kailangan kong tulungan si Aiden sa mga orders ng mga customers. Karamihan kasi ay take out at kaya kailangan mas mabilis ang service naming dalawa. “I already posted sa social media. Naghahanap na ako ng makakasama ko,” sagot naman sa akin ni Aiden pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

