Halos magkakalahating oras na kaming naroon sa villa ni Jaco at tanging siya lang ang salita nang salita roon habang ako ay naghahanap ng paraan para lang makalabas doon. Pumasok ako sa bathroom at maliit na bintana lang ang naroon na alam kong balakang ko pa lang ay hindi na magkakasya. Kulob kasi ang villa dahil ariconditioner naman ito at sobrang galing ng gumawa nito dahil wala ka talagang malalabasan. “You know what? You’re just wasting your energy. Ako ang nag-design ng mga villa rito kaya sigurado akong wala talaga tayong malalabasan dito kung hindi ‘yang nag-iisang pintuan,” sabi ni Jacob pagkatapos ay tinuro ang pintuan sa gilid. “Hindi naman ‘yan basta-basta nailolock sa labas at siguro plano nga talaga nila na i-lock tayong dalawa rito,” dagdag niyang sabi pagkatapos ay nagkib

