JACOB'S POV Agad kong dinampot ang phone ko nang magising ako sa umaga. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Naparami ang inom ko kagabi dahil ayaw akong pakawalan ng mga katrabaho ko. Alam kong magagalit sa akin ang asawa ko dahil kagabi pa ako hindi nagpaparamdam sa kaniya. Tumatawag naman ako sa kaniya kahapon nang hapon pero hindi siya sumasagot sa akin kaya siguro ay abala siya sa trabaho niya. Hindi na rin ako nakatawag sa kaniya nang maggabi na dahil naiwanan ko ang phone ko sa condo ko at hindi naman ako makahiram sa mga kasama ko para matawagan siya at ipaalam na nasa bar ako kasama ang mga katrabaho. Alam kong magtatampo iyon kaya naman tinawagan ko siya kahit maaga pa pero wala pa ring sumasagot doon. Alam kong gising na sa ganitong oras 'yon dahil maaga siyang pum