Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko dahil sa pagkakasampal sa akin ng baril pero hindi kona iniinda pa iyon dahil wala na akong pakialam. Labis na galit lang ang nararamdaman ko ngayon at gustong-gusto kong makaganti sa matandang nasa harapan pero wala akong magawa! Naiinis ako sa sarili ko dahil kinailangan ko pa talagang maranasan ang mga ganitong sitwasyon sa buhay! "I-send mo 'yan sa ama niya para mas magmadali siyang magpunta rito," utos ni Mr. Nam sa tauhan niya. "Napaka-walang hiya mo talagang matanda ka!" sigaw ko sa kaniya. Ngumisi lang naman ito sa akin at sumenyas sa isa niyang tauhan dahilan nang paglalagay muli g takip sa bibig ko. Gusto kong maiyak dahil natatakot ako sa magiging reaskyon ni Daddy kapag na-receive niya ang video na 'yon. Alam kong mag-aalala iyon sa akin