Ilang sandali ko pang sinuyo si Jacob doon bago kami tuluyang umalis para sa trabaho. Gusto ko lang talagang makabawi sa kaniya sa nangyari sa akin kahapon kaya pinagselos ko siya na makikipag-date ako kay Harry kahit hindi naman totoo. Sa huli ay sinabi ko rin naman sa kaniya ang totoo na may malalang sakit ang kapatid nito at matagal na raw akong sinusuportahan nito bilang isa sa mga fans ko kaya gusto ko rin na ma-meet ito. "You will wait me before you go later. I want to come with you," sabi sa akin ni Jacob nang makarating kami sa kompanya nila. Nasa parking area pa kami ngayon kaya naman nakakapag-usap pa kami ng casual. "Sasama ka talaga?" tanong ko sa kaniya. Kanina niya pa sinasabi sa akin 'yon pero kanina pa rin ako nagtatanong kung seryoso ba siya roon. Nag-text na rin kasi