Kita ko kanina ang pagkagulat sa mga mata ni Anna at Grace nang ayain na akong umalis doon ni Jacob kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti nang makarating na ako sa parking lot. Nauna kaming nakarating doon kasama ang mga bodyguards ko at hindi naman lumipas ang dalawang minuto at dumating na rin si Jacob. "Why did you run?" nagtatakang tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin. Medyo hinihingal pa ako pero inayos ko na lang ang sarili ko pagkatapos ay umiling sa kaniya. "Inunahan lang kitang lumabas," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "Sabay pa naman sana tayo," sabi niya at may halo agad na pagtatampo roon. Natawa naman ako at napailing nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya habang busangot ang mukha na para bang bata. Nanatili ang ngisi sa