Sa maghapon na iyon ay si Claui at Noah lang ang nakasama ko roon. Naligo pa nga sila sa pool habang ako ay nanonood lang sa kanila dahil hindi pa raw ako pwedeng magbabad sa tubig. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil ang ganda raw ng lugar naming dalawa ni Jacob. Mapayapa raw doon at maganda ang view. "Don't tell me aalis pa kayong dalawa ni Jacob dito?" tanong naman ni Claui habang umiinom ng beer sa gilid ng swimminng pool. Nakalilim naman ako sa lounger habang kumakain nng chips at nagi-scroll sa social media ko. Uminom namna muna ako sa shake ko bago nag-angat ng tingin sa kaibigan. "I think this is just for temporary. Napag-usapan na kasi namin ni Jacob noon na magpapagawa kami ng bahay," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Isa pa hindi kay Jacob lang naman ang penthouse na ito