"Oh, wait. You should start to pack your things right now because you are both fired," narinig kong sabi ni Jacob bago kami tuluyang nakaalis sa room na iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig ko o malulungkot para sa dalawa. Halos pagtingnan naman ako ng ibang empleyado roon lalo na nang makitang nakasunod si Jacob sa amin. Wala lang naman sa akin iyond dahil sanay naman na akong pagtinginan at hindi ko na rin iyon pa inalala pa dahil masyadong masakit ang pwetan at balakang ko. "Ako na ang magbubuhat sa kaniya," sabi ni Jacob sa bodyguard ko na may buhat-buhat sa akin. Wala namang imik ang bodyguard at maingat akong ibinigay kay Jacob. Napadaing pa nga ako roon dahil masyadong masakit talaga at hindi ko na rin napigilang maiyak. Narinig ko naman ang mga malulutong na mura