Sinunod ko naman ang bilin ni Jacob at sinabihan ko rin ang mga bata. Nanood naman kaagad ang mga ito sa Ipad habang nakahiga sa kama at halatang-halata na pagod na pagod sa ginawa nitong hapon. Kahit ako man na mas nakakatanda ay dama ko ang pagod kaya naiintindihan ko sila ngayon. Hinayaan ko lang silang dalawa roon at inayos ang mga pinamili naming damit kanina habang iniisip kung ano ba ang surpresa na sinasabi ni Jacob. Kahit ako ay hindi ko maiwasang hindi ma-curious sa sinasabi niyang surpresa pero nanatili na lang ako sa loob ng kwarto hanggang sa tinawag kumatok na siya roon. “Ikaw muna,” mahinang sabi niya pagkatapos ay napatingin sa dalawang bata na abala sa panonood. Napatingin din ako roon at alam kong kapag kaharap na nila ang iPad ay nawawalan na sila ng pakialam sa pali

