Hindi maipanta ang sobrang saya sa mukha ng anak kong si Mira nang malaman niyang buhay pa ang Daddy niya at kahit na nagsinungaling ako sa kaniya ay hindi na siya nagtanong pa sa akin. Ang mas mahalaga sa kaniya ngayon ay ang pagkakaroon ng Daddy kaya magugulat na lang ang mga classmates niya kapag nalaman din ng mga ito na may Daddy talaga siya. Umuwi muna kami sa bahay para magpalit ng damit at para na rin makakuha ng iba pang pamalit dahil sigurado akong pagpapawisan ang dalawang bata mamaya pagkatapos naming mag-mall. Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan nang pagpapapunta ni Jacob sa bahay niya pero wala namang problema sa akin iyon para na rin magkaroon sila ng bonding. “Who is he, Mama?” tanong naman kaagad sa akin ni Hendrix nang masundo namin siya sa school niya. “He’s our Dad

