"Aminin mo na kasi Noah!" naabutan ko namang nagtatalo na naman sina Claui at Noah. Mukhang katatapos lang nilang maglaro ng x-box at ngayon naman ay sa cellphone nakatutok ang mga mata ni Noah. Si Claudia naman ay nakaharap dito at walang humpay na kinulit si Noah. Hindi ko kasamang bumaba si Jacob dahil may kakausapin daw muna siyang client niya kaya iniwanan ko muna siya roon sa kwarto ko. "Tumigil ka Claui. Sa akin na lang muna 'yon dahil baka mausog mo lang," sagot naman ni Noah pagkatapos ay bahagyang inilayo ang cellphone niya kay Claui. "Ano'ng mausog na sinasabi mo?!" bawing tanong naman ni Claui. Natawa naman ako sa dalawa dahil mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko roon. Nakatalikod kasi sila mula sa akin kaya talagang hindi nila ako makikita at mapapansin. "Last ti