May mga nagtilian na mga tao na nanonood sa amin doon nang makita ang pagluhod ni Jacob habang inaalok ako ng kasal. Hindi rin naman ako makapaniwala na kinailangan niya pang gawin iyon ngayon doon at hindi ko inaasahan ang surpresa na 'yon dahil halos lagi naman kaming magkasama sa New York. "Say yes, tata!" sigaw naman ni Caleb kaya natawa ako at napatango-tango kay Jacob. "What?" natatawang tanong niya habang nakatingala pa rin sa akin. "Y-yes," nauutal ko namang sagot at halos manginig ang kamay ko nang ilahad ko iyon sa kaniya. Kita ko naman ang mas lalong paglapad ng ngiti niya at agad na isinuot sa daliri ko ang singsing. Halos pag-initan naman ako ng pinsgi nang magpalakpakan at maghiyawan ang mga tao roon lalo na nang yakapin ako ni Jacob. Hanggang sa sasakyan ay tulala pa ri