"Sigurado ka bang may GPS 'yan?" tanong sa akin ni Claui. Agad naman akong napasenyas sa kaniya na 'wag siyang maingay dahil papalapit sa amin ang isang lalaki na nakapurong itim na damit at naka-mask din ng kulay itim. "Quiet. Baka masira pa ang plano kapag narinig nila," sabi ko sa kaniya pabulong. Bumuntonghininga naman si Claui pagkatapos ay tumango sa akin. Nang nakalapit naman ang lalaki sa amin ay muli na naman akong dinapuan ng kaba pero pinilit kong lakasan ang loob ko dahil umaasa at naniniwala talaga ako at matutulungan kami ni Jacob. Hindi man ngayon kaagad siya makapunta rito, alam kong hahanapin niya ako kaagad once na malaman niyang nawawala ako. "Ano'ng balak niyo sa amin? Are you guys not going to feed us? I'm so hungry na kaya!" sunod-sunod na reklamo ni Claui kaya m