Chapter 94

2436 Words

After six months. Maraming naganap sa anim na buwan na lumipas simula nang maikasal kaming dalawa ni Jacob. Wala naman kaming naging problema at tulad lang nang dati ay masaya kaming dalawa ni Jacob sa isa't-isa. Nahirapan nga lang ako noong una dahil kinailangan nang mag-stay minsan ni Jacob sa trabaho niya habang ako naman ay abala sa pagiging CEO sa kompanya namin. Paminsan-minsan naman ay hindi ako matiis ni Jacob at talagang umuuwi pa siya sa gabi kaya naman pinagagalitan ko siya dahil ang haba ng byahe niya. Ang katwiran niya lang sa akin lagi ay namimiss niya raw ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapunta sa site nila dahil sobrang busy ko sa trabaho at aaminin kong mas mahirap pa iyon kaysa sa pagrampa ko sa runway at pag-endorse ng mga mamahaling brand sa ibang bansa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD