Wedding Day. Pinagmamasdan ko ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nakasuot ng magandang wedding gown at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ito na ang araw na mababago na ang apelyido ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na nga talaga ako. "Grabe Miss Aria, mas lalo kang gumanda ngayon!" puri sa akin ng hair stylist ko. Napangiti naman ako at mas lalong tinignan ang sarili sa salamin. I looked like magnificent in my wedding gown. Tube type ito at sobrang fitted sa akin nito at sobrang haba pa ng dulo nito. "Sigurado akong mas mai-inlove si Sir Jacob sa'yo kapag nakita ka niya mamaya," sabi naman ng make up artist ko. Natawa ako at biglang na-excite sa kung ano ang magiging reaskyon ni Jacob kapag nakita niya ako mamaya. Kahit ako man ay n