I turned off my phone para hindi nila ako matawagan o ma-trace kung nasaan ako. Nasa bar ako ngayon at kahit na si Claui ay hindi ko sinabihan tungkol doon kaya naman mag-isa lang ako rito. Sa pagpasok ko naman dito ay wala namang nanggulo or lumapit sa akin kaya nanahimik lang ako sa bar counter habang umiinom ng alak. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakainom sa bar at hindi ko maipagkakaila na na-miss ko nga ito lalo na at parang ordinaryong tao lang ako rito. Hindi muna ako uuwi dahil baka abala pa si Jacob sa kasama niyang architect na 'yon at kahit naman nakabukas ang phone ko ay sigurado akong wala akong matatanggap na text o tawag mula sa kaniya dahil aligaga nga siya sa kasama niya. Hindi ko lang din talaga maiwasang mainis o magalit dahil pati ako hindi niya pwedeng papasukin