Wala na akong ibang nagawa kung hindi magpumiglas na lang mula kay Jacob. Kahit alam kong nahihirapan siya sa pagbuhat sa akin papunta sa sasakyan niya ay minabuti niya pa rin akong hawakan nang mahigpit para hindi nga ako mahulog doon. "Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi niya sa akin hanggang sa napahinto na siya. Nakita ko naman ang sasakyan niyang naroon sa harapan niya at may bodyguard agad na nagtatakbo palapit sa amin para pagbuksan kami ng pintuan ng sasakyan ni Jacob. Nang mabuksan naman iyon ay maingat niya akong ibinaba sa loob ng sasakyan niya at gustuhin ko mang umalis doon ay sigurado akong hindi ako makakaalis dahil may mga bodyguards siyang kasama. Hindi umalis ang bodyguard sa gilid ng pintuan ng sasakyan para masiguradong hindi na ako makakalabas doon kaya naman mas bumi