Hindi rin naman nagtagal pa ang pag-iingay ni Claui dahil may kumatok sa pintuan ng kwarto at nakita kong pinagbuksan ng isa sa mga bodyguard ko si Jayson. Bagong ligo lang ito at simpleng gray pants at white polo shirt ang suot. Nagulat pa ako nang may hawak siyang bulaklak at kasunod niya ang personal assistant niya na may mga dala ring prutas. "Ay wow, bakit may pabulaklak?" bulong na tanong naman sa akin ni Claui. Mahina ko naman siyang siniko dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya bago ako tumayo at sumalubong kay Jayson. "Finally, you're here!" sabi ko sa kaniya at bahagya siyang inirapan. Natawa naman siya at napailing kaya itinuro ko sa kanila ang lamesa para roon nila mailagay ang mga dala nila. "Nagpapogi pa ako e," natatawang sagot naman sa akin ni Jayson. Natawa na