Sa araw na iyon ay wala nga kaming nagawa sa galit ni Daddy. Hindi naman siya galit kay Ayana pero dahil sa nangyari sa kaniya ay kay Clyde ito nagalit. Alam kong hindi rin nagbibiro si Daddy sa sinabi niyang bibigyan niya ng leksyon si Clyde kaya kahit ako ay hindi maiwasang 'wag kabahan doon dahil hindi ko rin alam kung ano talaga ang kayang gawin ni Daddy. "Ate, ano'ng sabi sa'yo ni Daddy?" tanong ni Ayana. Nakaalis na sila Mommy at Daddy kanina pa at na-check na rin ni Nikolai si Ayana kaya ang natira na lang dito ay Ako, Jacob at Claui. Kaaalis-alis lang ni Wilbert dahil may meeting pa raw siya with his client kaya hinayaan na namin siya. "Wala siyang sinabi sa akin. 'Wag mo nang isipin ang tungkol diyan dahil kami na ang bahala ni Ate Alexa kay Daddy. Ang mahalaga ngayon ay magpag