Kinabukasan ay maaga akong nagising at naabutan ko namang gising na rin sila Claui at Wilbert. Nagulat naman ako kay Jacob nang makita kong nakatitig siya sa akin kaya agad kong tinakpan ang mukha dahil bigla akong nahiya. "Why are you covering your face?" tanong niya habang natatawa. Umiling lang naman ako at bahagya ko siyang hinampas. Lagi niya itong ginagawa sa akin kaya sanay na rin ako, kaya lang ay minsan hindi ko pa rin maiwasang mahiya dahil nga madalas mamaga ang buo kong mukha kapag bagong gising. "Naku! Bumangon na kayo at tama na ang lampungan diyan. Ang aga-aga e," reklamo naman ni Claui nang makita kami ni Jacob. Sabay naman kaming natawa ni Jacob dahil laging may side comment itong si Claui kapag nakikita kaming naglalambingan ni Jacob sa harapan niya. "Wil, lambingin