Wala na ngang nagawa si Wilbert kung hindi manatili na lang doon dahil sa kakulitan ni Claui at sa pagkumbinsi sa kaniya ni Jacob. Mabuti na lang din ay may tv doon na paglilibangan at ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang nagising si Ayana. Nagpatawag ako kaagad ng doctor at dahil naroon si Nikolai ay siya na mismo ulit ang nag-check kay Ayana nang magising ito. Tulala lang si Ayana at hindi man lang ito makatingin sa akin kaya naman hindi ko maiwasang malungkot dahil doon. Gusto ko nang bumalik ang dating Ayana na sobrang saya at hindi ganito sa nakikita ko ngayon, pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala rin, kaya hihintayin ko na lang recovery niya. "Maayos na siya ngayon pero kailangan niya pa rin magpahinga ng dalawa o tatlong araw dito," sabi sa akin ni Nikolai. "'Wag mo na lang s