Kalahating oras yata kaming nakaupo lang ni Jacob sa labas ng room kung nasaan si Ayana. Kumalma na rin ako sa pag-iyak dahil hindi tumigil si Jacob sa pagpapatahan sa akin at pagpapagaan ng loob ko. "Bibilhan kita ng tubig mo. Ayos lang ba na iwanan muna kita sandali?" tanong sa akin ni Jacob. Mabilis naman akong napatango sa kaniya at tipid na ngumiti. Kung wala tlang talaga si Jacob sa tabi ko ngayon ay hindi kona malalaman kung ano ang gagawin ko. Kahit na kumalma na ako sa pag-iyak ay hindi ko pa rin mapigilang 'wag magalit dahil sa nangyari sa kapatid. "I'll be quick," sabi ni Jacob at hinalikan muna ako sa noo bago tuluyang umalis doon. Kailangan ko nga ng tubig dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko ay nawala lahat ng tunbig sa katawan ko dahil sa pag-aalala