Chapter 70

2136 Words

"Sa bahay na tayo kakain ng hapunan dahil nagpahanda raw si Mommy sa pag-uwi natin," sabi ko kay Jacob nang makauwi kami sa condo. Umuwi muna kami rito para makaligo muna at makakuha ng ibang gamit na wala na ako roon sa bahay. Tapos na akong maligo at tapos na rin akong mag-blower ng buhok ko kaya ako ang nag-asikaso ng ibang mga gamit niya at iniligay ko iyon sa bag niya. Nang matapos kaming maggayak ay nagpunta na kami kaagad sa bahay. Excited ako roon dahil ilang araw rin akong hindi nakabalik doon at miss na miss ko na ang mga kapatid ko lalo na ang pamangkin kong si Caleb. "Tita!" salubong agad sa akin ni Caleb pagkababa ko ng sasakyan. Natawa naman ako at agad ko rin itong sinalubong ng yakap. Lumalaki na nga talaga si Caleb at talagang hindi na siya na bulol ngayon. Yumakap it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD