Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob nang ulitin ko sa kaniya na anak ko ang tinutukoy niya. Nakita ko ang pag-iling niya na para bang hindi naniniwala sa sinabi kong hindi siya ang tatay ng anak ko. "Aria, please. Don't do this to me. Alam kong nagpapanggap ka lang," sabi niya sa akin at halos magmakaawa ron. Muli naman akong napailing at napatingin sa anak na abala sa ginagawa niya sa table. Natatakot ako ngayon dahil baka kung ano ang sabihin ni Jacob sa harap ng anak ko. Masyadong matalino si Mira at halos lahat nang mga naririnig nito ay naitatanong niya kaya naman ayaw kong mangyari 'yon. "Good afternoon, Sir. There's another vacant table po sa side. Baka po pwedeng doon na lang kayo," sabi ni Aiden nang lumapit ito sa amin. Halos makahinga naman ako nang maluwag doon dahil may t