Hindi ako tinigilan ni Jacob sa araw na iyon kaya nang may dumaan na tricycle ay agad ko na itong pinara para makasakay na ako. Wala naman siyang nagawa kung hindi ibigay sa akin ang mga pinamili ko kaya nakaalis din ako sa kaniya. "Ano kumusta pamimili mo? Hula ko sinundan ka ng asawa mo kanina 'no?" tanong sa akin ni Aiden nang makauwi ito at dumaan sa bahay. Napanguso naman ako at pinanood ang dalawang bata na abala sa paglalaro. Sumenyas naman ako sa kaniya na huwag siyang maingay dahil baka marinig iyon ng dalawa lalo na si Mira. "Oo. Ano pa nga ba ang bago? Kinulit pa niya ako kanina na ihatid dito kanina pero hindi ako pumayag," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasan na mapairap sa kawalan. "Paano ka niya nasundan eh mukhang hindi naman sanay 'yon sa palengke at sa ma