"What?! Hindi ka pa nakakaisang buwan dito sa Pilipinas may fiancee kana agad?" gulat na tanong sa akin ni Claudia nang sabihin ko sa kaniyang fiancee ko na si Jacob. Hindi rin kasi nagtagal pa si Jacob kanina sa baba nang ipakilala ko sila sa isa't-isa kaya nang nakaakyat na kami sa unit ni Claudia ay tsaka ko lang sinabi sa kaniya na hindi ko lang basta boyfriend si Jacob dahil fiancee ko na rin ito. Naglabas naman siya ng wine roon at nagsalin sa wine glass ko kaya natawa na lang ako at napairap dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kaniya iyon. Inabot niya sa akin ang wine at bahagya ko munang inikot-ikot at inamoy bago inumin. "Parang mahirap yatang tanggapin 'yan, Ariana. At tinginan niyo pa lang dalawa ay parang inlove na inlove na kayong dalawa!" p