Ilang linggo nga ang lumipas simula nang sagutin ko si Jacob. Naging madali naman sa amin ang kilalanin ang isa't-isa dahil magkasundo naman kami sa lahat. Masaya ako dahil hindi ako nahirapan na buksan muli ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan no'n. Minsan ay hindi namin napipigilang mag-away sa maliit na bagay pero sa huli ay nagkakaayos naman kami dahil normal lang naman talaga 'yon. Binibigyan namin ng oras ang bawat isa. Kapag may gala siya kasama ang mga kaibigan niya ay hinahayaan ko lang siya at kapag ako naman ang makikipagkita kay Claudia ay hinahayaan niya rin ako. Sa ilang linggo na 'yon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Jacob ang sikretong itinatago ko sa kaniya tungkol sa nakaraan namin ni Nikolai. Wala naman akong balak na patagalin iyon dahil ilang araw na rin