Napailing ako kay Jacob at umamba akong aalis doon pero ang isang kamay niya ay agad pumulupot sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay agad na tinanggal ang fake eye glasses na suot ko pagkatapos ay humawak sa hita ko. "What are you doing? Baka biglang may pumasok dito at makita tayong dalawa. Nakakahiya, Jacob!" sunod-sunod kong sabi sa kaniya at pinilit ko pang umalis sa pagkakaupo sa kaniya. Napangisi lang naman siya at bigla na lang bumagsak ang dalawa kong balikat nang maalala kong ni-lock niya nga pala ang pintuan gamit ang kung ano'ng maliit na remote na hawak niya kanina. "I have a lot of questions to ask," sabi niya at tinaasan pa ako ng isang kilay niya. Napairap naman ako at pinanatili ang seryoso kong mukha kahit na sobrang kinikilig ako sa posisiyon naming dalawa ngayo