"Ate, what are you talking about?!" gulat na tanong ni Ayana sa akin habang nakatingin sa akin at mukhang nagtataka pa dahil sa sinasabi ko. Umiling lang naman ako at ngumiti sa kaniya kahit sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Humugot ako nang malalim na hiningi at muling tumingala kay Alonzo. "Gusto kong makasigurado na ligtas mong maiuuwi ang kapatid ko bago ako sumama sa'yo," sabi ko kay Alonzo. Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang ulitin ko ang salita na sasama ako sa kaniya. Tama, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko man gustong sumama sa kaniya pero iyon na lang ang tanging paraan para maibalik ko si Ayana kila Mommy at Daddy. Ako lang naman ang makakatulong sa kaniya ngayon at ayokong humingi siya at magmakaawa siya kay Jacob para lang tulungan kami rito. Tinaas ko na ang pride