Ramdam ko ang pagod sa katawan ko sa araw na 'yon at hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-alala para sa akin at kay baby. Natatakot ako sa magiging epekto nito kay baby kaya naman nagpahinga ako sandali roon kahit puro ako iyak. Nakatulog ako sa sofa at sobrang sakit ng leeg ko nang bumangon ako roon dahil sa ngawit. Inaantok pa ako at hindi ko namalayan na five pm na pala nang hapon. Nagising lang din kasi ako nang tumunog ang cellphone ko kaya kinailangan kong sagutin 'yon. Napahugot naman ako nang malalim na hininga bago ko damputin ang cellphone sa lamesa pagkatapos ay sinagot ko 'yon dahil pangalan ni Ayana ang nakalagay sa screen ng phone ko. Baka hinahanap na nila ako. "Yes?" tanong ko habang namamaos pa ang boses ko dahil sa pagkakatulog. "Ate, help! Please help me!" sigaw ni