Maikling buhok ang ginamit kong wig at tinakpan ko ng foundation at concealer ang mga freckles ko sa mukha at naglagay ng malaking pekeng nunal sa bandang baba ko. I actually don't need to do this but I want it. Hindi sang-ayon si Mommy sa ginagawa ko pero wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ko. Si Jacob naman ay suportado ako sa lahat at natatawa na lang kaming parehas dahil sa mga pinaggagagawa ko. "Why do yu have to do that, Aria?" tanong ni Mommy. Halatang stress na stress siya sa ginawa ko dahil masyado raw iyon matrabaho kahit hindi naman. "Experiment, Mom. Madalas kong nakikitang gawin ito sa ibang bansa to observe the company's employees," sagot ko pagkatapos magkibit ng balikat. Businessman si Noah at alam kong isa sa kompanya na pinagtatrabahuhan niya ay may mga gumagawa