Jacob's POV Galit sa akin ang buong pamilya ko sa nangyari kay Aria at hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako ay aminado akong kasalanan ko ang lahat. Naging mababaw ako at naniwala sa sabi-sabi ng iba na may ibang lalaki na si Aria lalo na at nakikita ko ang mga pictures nito. Lahat nang pagsisisi at konsensya ay paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko tuwing gabi dahilan nang hindi ko pagkatulog. Minsan ay kinakailangan ko pang uminom ng maraming alak para lang makatulog ako. "Hindi na talaga namin mahanap ang katawan ni Ma'am Ariana. Masyadong malakas ang alon nang gabing 'yon at pinuntahan na namin lahat pero wala kaming ibang nakita kung hindi itong damit at relo niya lang," paliwanag sa akin ng isa sa mga nag-iimbistiga sa aksidente na nangyari. Dalawang linggo na ang nakakal