"Hindi ko lang matanggap na masyadong masaya si Noah kagabi," muli namang sagot sa akin ni Claui. Iyon pa rin ang topic naming dalawa hanggang sa makabalik na kami sa table namin. Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila Jacob doon pero nagtatawanan naman sila nang maabutan namin sila roon. Akala ko ay magtatagal pa kami roon pero agad na rin nag-aya si Ate Sofie sa suite namin para makapagpalit dahil may shoot pa pala ako sa umagang iyon. Hindi ko alam kung ano iyon pero sabi sa akin ni Ate Sofie ay photoshoot lang iyon at may mga damit naman na ako sa studio nila na narito lang sa hotel na pinagtutuluyan namin. "Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko kay Jacob dahil nakalimutan kong itanong iyon sa kaniya. Nasa iisang suite lang kami ngayon pero malaki naman iyon at may dala