Ilang sandali rin akong sinuyo ni Jacob doon dahil tamad na tamad akong bumangon at gusto na lang ipagpatuloy ang pagtulog pero naisip kong parehas nga lang pala kaming pagod at siguradong gutom na siya kaya dahil siya pa ang mga nagligpit ng iba pang mga pinamili namin kaya wala akong ibang nagawa kung hindi bumangon. Nagluto siya ng sinagang na baboy at tamang mainit pa 'yon nang lumabas kami at kumain kaya sarap na sarap ako at kaya rin nawala ang pagiging badtrip ko sa kaniya. "How's your sleep?" tanong ni Jacob habang kumakain kami. Sinubo ko muna ang kanin na nasa kutsara ko at sandaling ngumuya bago nagtaas ng tingin sa kaniya para sagutin siya. "Bitin. Ginising mo kasi ako," sagot ko at agad na sumimangot. Bahagya naman siyang natawa at dinagdagan ng kanin ang plato ko kaya ag