Kita ko ang pagiging seryoso ng mukha ni Jacob habang nakatingin sa aming dalawa ni Joseph kaya naman agad akong lumapit sa kaniya para ilagay ang mga nakuha kong bibilhin sa cart na tulak-tulak niya. Nang mailagay ko naman 'yon ay muli akong napabaling kay Joseph na nakatingin lang sa amin at mukhang naghihintay ng susunod na mangyayari. "Ahm, Jacob. This is Atty. Dantes, classmates ko dati noong high school," sabi ko para maipakilala agad sila sa isa't-isa. "And this is Jacob, my fiancee," dagdag na sabi ko at bahagyang kumapit sa braso ni Jacob. Napangisi naman si Joseph at napatango bago lumapit sa amin at naglahad ng kamay kay Jacob. Tinignan lang naman 'yon ni Jacob kaya bahagya ko siyang siniko dahil nakakahiya kay Joseph kung hindi niya tatanggapin ang kamay nitong nakalaghad sa