Sobra-sobra nga ang pagod naming dalawa ni Jacob sa araw na iyon kaya naman natulog lang kami maghapon at gigising lang kapag nagutom para makakain. Lahat ng energy na nagamit namin sa isang linggong bakasyon sa Boracay ay binawi namin sa araw na iyon. Sa gabi lang naman ako nakatawag kila Mommy at Daddy dahil alam kong busy sila sa araw at hind nila mahaharap ang kani-kanilang phone nila, isa pa ay hindi ko rin naharap dahil sobra ang pagod at antok ko. Si Jacob naman ang nag-asikaso na kuhanin ang mga gamit ko na ipinadala nila Ate sa akin kaya kampante at natulog ako nang walang iniisip. Kinabukasan naman ay sinigurado namin na magagawa namin ang mga dapat gawin, katulad ng paglilipat ng iba kong mga gamit. "Ate Aria, ang usapan natin ha," sabi ni Ayana para ipaalala sa akin ang usap