Our family vacation for one week was very happy and memorable for me because that's my first time of having a vacation with my family, plus Jacob and my friends. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko at sa bawat magandang moment na iyon ay talagang hindi ako pumayag na hindi makukuhanan ng kahit isang video at mga litrato roon. Alam kong ilang beses na akong nagbakasyon sa iba't-ibang mga beach lalo na sa ibang bansa pero hindi ganitong saya ang nararamdaman ko roon dahil iba pala talaga ang saya na makukuha mo kapag buong pamilya mo ang kasama mo. Sa isang linggo na iyon wala kaming ibang ginawa kung hindi mag-island hopping at mag-snorkling sa araw at kapag gabi naman ay mag-iinuman kami sa tabing dagat. Kagaya nga ng sabi nina Mommy ay tatlong araw lang sila roon dahil mar