Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko nang ako sa table namin na kasama ko ang sikat na banda. Hindi naman talaga mapagkakaila na gwapo ang bawat isa sa grupo kaya hindi na ako magtataka kung bakit halos mabaliw ang mga kasama ko sa mga ito. Bago kami mag-inom ay nag-picture-picture muna kami roon at hindi naman pumayag ang bawat isa sa grupo na hindi sila nakakapagpa-picture sa akin kaya naman pinagbigyan ko na lang sila. "Can I post it on my social media?" tanong sa akin ni Hanz, ang vocalist nila. Inubos ko naman muna ang iniinom kong alak bago ako sumagot sa kaniya. "Sure! Why not?" natatawang sabi ko sa kaniya. Tumawa at ngumiti lang naman ito sa akin bago tumango habang nakatingin sa phone niya. Hindi ko naman na alam kung ano na ang ginagawa ng iba kong mga kasama roon dahil halos