Maraming naganap sa mga nakaraang araw at halos i-celebrate namin 'yon gabi-gabi kasama ang mga kaibigan ko. Pumirma kasi muna si Mr. Wong sa amin bago ang simulan ng party ng anak niya para raw makasigurado talaga kami na sa amin siya pipirma ng kontrata. Tuwang-tuwa ang anak niya at masaya naman ako roon dahil kitang-kita ko sa anak niya na memorable talaga ang naging birthday party nito. Umuwi rin si Jacob nang mag-weekend at kaming dalawa naman ang nag-celebrate. Naglibot kami at pumunta sa Tagaytay kung nasaan ang pinagawa niyang bahay noon na sa akin niya lang unang pinakita. Naging maganda naman ang buong linggo ko kahit medyo stress sa work. Ini-enjoy ko lang dahil doon lang din naman ako nalilibang habang nagtatrabaho si Jacob sa medyo malayo sa akin. May plano na akong puntahan